"I'm not asking for the world, I don't deserve it. I'm not asking for all of your attention, I don't need it. I'm not asking to be treated like a princess; I never was much of a girly girl. I'm not asking to be your first thought, just not your last. I'm not asking for everything, I'm just asking for what I deserve." Sabi ni Megan Marie.
E sino nga ba si Megan Marie?Sa totoo lang, hindi ko alam. Salamat ulit sa "Google" ang peg ko today.
Magulo ang aking isip.Hindi ko nagugustuhan ang atmosphere ng paligid. Walang taong perpekto. Bakit ganon, kapag may ginagawa ang isang tao ng mabuti parang hindi ganon kadali ma"recognize", hindi naman pwedeng lahat ng ginagawa mong mabuti ay ipagsisigawan mo sa lahat! (epic fail), pero nakakalungkot lang na sa mga nagawa mong tama iilan lang ang naaalala nila...pero sa oras na magkamali ka, ayan na! Parang ang sama-sama mo ng tao. Hindi na nila makakalimutan hanggang sa makagawa ka ulit ng isa pang pagkakamali...hanggang sa maka "quota" ka na!
Nasubukan mo na bang mag-isip minsan kung masaya pa ba silang nakakasama ka? Kapag kaya hindi ka nagparamdam ng isang araw, isang linggo, isang buwan mamimiss ka kaya nila?I-deactivate mo kaya ang facebook account mo?Iyung tipong wala muna silang mababalitaan na kahit ano tungkol sa'yo?Kawalan ka ba sa kanila? Sa dami ng mga kaibigan mo, iilan lang ba sa kanila ang totoo?Kaya mo kayang sagutin yan?
Bakit ang ibang tao pwedeng magtampo sa'yo? Bakit ikaw hindi pwedeng magtampo sa kanila? Ganito na ba ka "unfair" ang buhay ngayon?Ang saklap naman non'.
"I've learned that no matter how much I care, some people are just idiots. I've learned. . . that we don't have to change friends if we understand that friends change. I've learned that no matter how good a friend is, they're going to hurt you every once in a while and you must forgive them for that." - Unknown (http://www.angelfire.com/ma4/memajs/quotes/friend.html)