Almost 7 hours ang byahe mula cubao hanggang Camarines Norte. Nakakapagod ngumuya ng ngumuya habang nasa byahe. Masakit din sa pwet dahil walang tayuan, except kapag nag-stop over...RESTROOM ang pahinga! Excited ako dahil it's been 18 years since the last time na nakatuntong ako sa bayan ng Sta. elena.
5 Years old ako ng unang dalhin ng parents ko dito...dalawa palang kaming magkapatid ng ate ko noon.Ay mali, tatlo na pala, si Aljon palang ang bunso noon, wala pa si Michael. Ang mga nakatira dito ay sa side ng Mother ko..Lolo at lola ko, mga kapatid niya (tiyahin at tiyuhin) at mga pinsan ko. Andaming tumatakbo sa isip ko habang papalapit ng papalapit ang sinasakyan naming bus sa aming pupuntahan. Wala na akong natatandaan sa mga pinsan ko at tiyahin ko..iilan nalang ang naaalala ko ang mukha..hindi ko pa alam pati mga pangalan nila. Sasalubungin kaya nila kami ng mosiko o banda?May lechon kaya? May malaking banner kaya sa baranggay nila at may nakasulat na "Welcome Gonzales Family!"??Hahahaha! Ilusyonada lang ako!Ano kami, artista?mga dugong bughaw?hahaah!
|
with my pinsan EJ and pamangkin sa pinsan,Kevin |
|
Fresh Buko from tree..=) |
Pagdating namin doon una naming binisita ang munting kubo ng lolo't lola ko. Hindi naging maganda ang atmosphere doon ng makita namin ang kalagayan nila. Mahina na ang lolo at may idinadaing na sakit na hanggang sa ngayon hindi malaman kung ano dahil ayaw niya naman palang magpa-check up sa doktor. Ang lola ko naman bagamat malakas-lakas pa naman ay mahina na ang pandinig at paningin kaya madalas hindi sila magkaintindihan ng lolo. Ang mama ko pa naman mababa ang luha- pati tuloy ako napaluha kahit pigilin ko. Alam ko may magagawa ako, may magagawa kami para sa kanila..pero hindi pa sapat para lubos na matulungan sila. Kaya ang tanging nagawa lang namin ay ang iparamdam sa mga mahal kong lolo at lola na mahal namin sila.
|
Us with Tito Rolly and Tita Ne (Mama's Eldest Sister) and kevin | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | |
|
|
|
|
Maganda na ang mga buhay ng ilan sa mga Tita at Pinsan ko dito. Mas mapepera pa nga sila di hamak sa'min. Ang panganay na kapatid ng mama ko na si Tita Ne napagtapos lahat ng mga anak niya sa kolehiyo kaya naman hindi maikakailang maganda na talaga ang mga buhay nila. Sana kami rin maging ganun, well nasa pagsisikap yan! SANA! Pero nakakatuwa dahil sa kabila ng magandang buhay na mayroon sila hindi namin sila kinakitaan ng anumang yabang. Siguro sadyang mababait ang lahi ng Macinas!(hahaha!) Kung "Bait" rin lang naman ang pag-uusapan ay talagang ibibida ko ang tiyahin kong ito. Alagang alaga kami dito. Hindi naman maipagkakaila dahil nagtabaan kami lahat sa loob lang ng isang linggong pag-stay namin dito.
|
Ang kyut na kyut na si Luis at Jed |
|
ang anak-anakan kong si Kenji |
Nalibang rin kami sa kakyutan at kakulitan ng mga bata doon. Mga anak ng mga pinsan ko na halos magkaka-edad!Magkaka-batch 'ika nga!Napaka-bibo ng mga batang iyon. Nakakatuwa. Ang sarap pagkukurutin sa pisngi! (Hahaha!Bad!) But kidding aside, nakakamiss sila. Lalo na iyung mga kaingayan at kaharutan nila. May kanya-kanyang mga talent. Lahat nagpapakitang gilas! Hangkyuuuttt!!! Iyon nga lang sa susunod na pagbalik namin dito panigurado malalaki na ang mga bulilit na ito. And for sure hindi na nila kami mga kilala.
Ilang araw rin nagsunud-sunod ang ulan kaya naman nakulong kami sa bahay ng mga tita ko. Hindi makagala dahil madulas ang mga daan. Even pagbisita sa lolo at lola hindi na namin nagawa ulit. Gusto ko na ngang umuwe nun' sa sobrang inip. Movie trip nalang sana kaso badtrip ilang beses pa kung mag-brownout. Pambihira!!!Kaya ayun, buong araw nakipaglaro sa mga bata. Tatlong sunud-sunud na araw na ganun, kain-tulog, kain-tulog, kain-tulog. Ang resulta? Chubbyness!!!Okay lang!Mag-diet nalang pagbalik ng Manila. Sana magawa ko!(hahaha!)
|
Eto ang masarap, maglakad sa gitna ng putikan! |
|
Mag-swimming sa gitna ng ulan! |
|
Habang si Mama nilalamig na kahit hindi naman siya naglulublob sa tubig..=) |
|
Maganda raw sa katawan ang beach sand..may malilit na nilalang nga lang ang pwedeng kumagat sa'yo.=P |
|
STRANDED! Naubusan kami ng gas sa layo ng distansiya ng mga pinuntahan |
|
What a FALLS! |
|
Si Aljon at Ate (Jenn) |
|
Tulay lang pala sa lubid eh! Panis!!! |
2 days before kami umuwe, naawa ang pinsan ko at ipinasyal kaming mag-anak. Tatlong lugar ang pinuntahan namin sa maghapon. Medyo maulan pero tuloy parin ang gala! Kailangang maramdaman ko naman ang bakasyon habang malayo kami sa Manila. Nakakabitin nga lang dahil sa ikli ng oras pero okay narin, atleast tatlong lugar agad ang napasyalan namin. Ang sarap kaya nun! Nakalimutan ko lahat ng problema ko ng mga oras na 'yon! Daig ko pa nagka-amnesia. Wala akong pakielam basta ang alam ko masaya ako ng mga oras na'yon kasama ang pamilya ko. Kung pwede nga lang wag matapos agad! Haiszt!!
|
Picking Papaya from its tree.=) |
May nakakatuwa pang nangyari sa'min habang bumibyahe kami pabalik sa bahay ng tita. Naubusan ng gas ang tricycle ng kuya Bhong (pinsan ko) mabuti nalang at nasa highway na kami nun' at hindi na masyadong delikado abutan ng dilim. Ang mas exciting doon na-stranded kami sa kasagsagan ng ulan. Mga basa na kami lahat, lalo pa kaming nilamig dahil sa hangin at ulan. Pero wala rin kaming ibang ginawa kundi ang magtawanan sa gitna ng ulan hanggang sa nakagawa ng paraan at tuluyan na kaming makabalik sa bahay. Pagdating sa bahay lahat pagod. Pero okay lang, masaya naman!
Huling araw namin sa bakasyon, mabuti nalang gumanda-ganda ang panahon. Nabisita ulit namin ang lolo at lola at nakaligo ulit kami sa ilog. Akala namin makakabalik pa kami doon kinabukasan pero hindi na pala, maaga pala ang magiging byahe namin kinabukasan pabalik ng Manila. Hindi na ko nag-alinlangan pa sa paliligo, hindi na ko nag-alala na baka umitim ako dahil sa tindi ng sikat ng araw, madali lang naman magpaputi. Konting kuskos at hilod lang yan! =)
Daig pa naming magkakapatid ang bumalik sa pagkabata. Sa mga oras na iyon magkakasundo kaming apat. Bati kaming lahat! Pati si Mama at Papa akala mo bagong kasal kung maglambingan. Ang sarap isipin na sa edad naming ito nararanasan parin namin ang ganitong klaseng bonding na nawawala na sa ibang mga pamilya. Sabagay, wala pa naman sa aming apat ang may sarili ng pamilya kaya nagagawa parin namin ang makapamasyal ng kumpleto. Parang ayoko pang isipin na darating ang panahon na magkakaroon na kami ng kanya-kanyang mga buhay..
|
Shhh...do not disturb! |
|
This is what ya'called LIFE! |
|
Harvest Moon ng totoong buhay..=) |
|
Tuwang -tuwa kami sa pamumulot ng mga kabya sa buhangin |
|
Sisteret! |
|
Ang Pilapil... |
|
Talon nah!!! |
|
May the force of runnig water be with me!!heheeh... |
|
JalapeƱo (sosyal ang tawag!) |
|
OH Life!!! |
|
Papa, Mama, Michael(bunso) and Ate |
|
Fresh Buko for our drinks and merienda |
Kinabukasan, maaga kaming nagsigising para mag-asikaso sa aming paguwe. Nakakabitin man pero wala kaming magagawa, tapos na ang bakasyon grande! Hindi manlang kami nakapag-paalam sa mga bulilits at pati narin sa lolo at lola. Masaya ang naging bakasyon namin. Mabuti nalang pala talaga naisipan kong ayain sila Mama na doon kami mag-christmas. Kakaibang holiday experience talaga! At nakatulong ng malaki sa pagpapagaling ko ng puso. Salamat sa pagpapatuloy sa'min Tito Rolly at Tita Ne. Ganun din sa mga pinsan ko at mga pamangkin. Thank You for being nice.Pasensya na at malaki-laki ang nagastos nyo sa pagkain namin, ngayon lang naman po yun!(hahahaha!) Sa uulitin po! At sa Lolo at Lola ko..mahal po namin kayo. Magpalakas po kayo at konting panahon nalang po makakasama na namin kayo sa iisang bahay!
As
the new year blossoms, may the journey of your life be fragrant with
new opportunities, your days be bright with new hopes and your heart be
happy with love! Happy New Year!
(http://www.festivalseasons.com/new-year-quotes/)
No comments:
Post a Comment