|
Jed's Island Resort |
7 months ago when he left me. Time is running so fast. Hindi biro ang mga pinagdaanan ko, but I'm still here fighting for loneliness. Andami nang nagbago saakin, my life and my self. And I have no choice but to accept and go with it. Moving on is not an overnight process, but it always starts with acceptance.Do I? I dun'no honestly! Everytime my friends viewed my FB Profile and nakikita nila yung mga pictures na ina-upload ko, different places with different people, different events with a happy faces, sinasabi nila lagi saakin "you already moved on".
Hindi ako makasagot,kasi kahit ako hindi ko alam kung nandoon na nga ba ako sa stage na'yon.
|
Mother Teresa Spinelli Retreat House | | | | |
|
|
|
|
|
|
|
|
Dhio Endheka Spring Resort |
Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang sarili ko.I want to express my feelings pero sa tuwing humaharap na ako sa computer para i-type ang mga gusto kong sabihin nauubusan na ko ng mga salitang gagamitin.I'm not a writer either!
Hindi porke't malungkot ang puso ko doesn't mean hindi na ako dapat ngumiti. I can smile parin naman! In fact, I can give you a wide smile =').Mababaw lang naman kasi ang kaligayahan ko. I will laugh at your joke kahit na corny pa'yan! Okrayin pa kita! Kahit magdamagan tayong magtawanan walang problema, kadamay mo ako. Kung ayaw mo ng "dull moments" I'll give it to you, ayoko rin naman nun eh! Kasi kapag mag-isa nalang ako diyan ko na mararamdaman ang depression. Hindi mo ako makikitang umiiyak hangga't kaya kong pigilan. Kasi hindi ako 'yung tipo ng babae na konting drama lang na mapapanuod sa mga teleserye eh humahagulgol na rin ng atungal, malakas pa sa atungal ng bida! I'm not like that! At umiyak man ako, isang bagsakan nalang!(much better ba yon?)
|
Kuhala Bay Resort |
A have a lot of friends, (circle of friends). Pero syempre hindi naman sa lahat nang oras pwede nila akong masamahan. Hindi naman talaga maiiwasan iyon dahil may kanya-kanya din silang mga buhay. Kaya minsan pakiramdam ko nag-iisa ako. Nag-iisa nalang naman talaga ako, diba? I've lost my bestfriend (Lucky).
Kanino na nga ba ako madalas makipag-usap at nago-open up nang mga nangyayari sa'kin at nararamdaman ko. Sino na nga ba ang nakikinig sa'kin kapag masaya ako?at malungkot?Ngayon ko lang napag-isip-isip, para din pala akong "kaladkarin" pagdating sa mga kaibigan. Kahit kanino pwede akong sumama, kung sino magyaya join agad ako. But I don't take it as negative. Somehow, okay din yun kasi alam ko nag-e-exist ako sa mga kaibigan ko.Hindi ako "junk". Sa kabila nang kamalditahan ko, hindi naman ako nawawalan nang masasandalan, medyo weak nga lang ang signal minsan(hahahah!). And I'm so grateful!
Sabi nga ni Engelbert Hubbard: “A friend is someone who knows all about you and still loves you.”
(salamat sa Google).
Yes. I'm independent. I decides on my own. Sometimes, rule breaker! Yung kaisa-isang taong nagtutuwid nang mga baluktot kong pananaw sa buhay, ayun nagmadali sa langit!Iniwan niya ko. Nakunsumi na yata saakin!But kidding aside, I hope he's at peace na. He will never be forgotten.
If accepting the truth that he can no longer be mine is the only way for him to be at peace-I will do it. Even if it hurts me so badly- I will, for Him.
Few days from now, I will be celebrating our 2nd anniversary (September 20, 2012). Hindi ko alam kung paano. Actually, ayokong dumating ang September, but here it goes. Wala na akong kawala! I have to face it. After that, October, then November, and December. Sa buong buhay ko ngayon ko lang yata kamumuhian ang christmas.Before, I have a lot of plans sa tuwing darating na ang "ber" months. Kahit kulangin sa budget as long as makapag-prepare ako ng gifts sa family ko, mga inaanak and for him. Sabay kaming namimili ng gifts sa midnight market. Magkatulong kaming nagbabalot nang mga regalo.But Now? I don't know! Pakiramdam ko magiging mabigat para saakin to celebrate christmas. Matutulog nalang siguro ako.
|
this is Me after 7 months |
|
Tattoo mode |
|
His Nickname |
Napakadali para sa iba ang sabihing "kaya mo yan", "makaka-move on ka rin!", "ikaw pah!ang tapang mo kaya?!"...I should be flattered on what they kept on saying to me diba?Pero hindi kasi nila naiintindihan. Hindi ko rin naman sila masisisi, they just want to cheer me up. And thank you for that!Minsan nga naiisip ko, nagsasawa din kaya sila sa mga kadramahan ko?e sa mga pictures kong ina-upload sa FB?Naiirita kaya sila kasi puro mukha ko ang nakikta nila? Pasensya naman... sa ganung way ko lang napapagaan ang pakiramdam ko eh. "Self Victory" sabi nga nang naging facilitator namin sa recollection.
I don't know what will happen for the next 7 months of my life (naalala ko bigla, 7 nga pala ang lucky number niya). But one things for sure, my love for him will remain...forever.
Happy ever after didn't exist.
“Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage.”