"Kahit maputi na ang buhok koh oohhhhhhh".... Badtrip! Pagsakay ko sa jeep kaninang umaga ayan agad ang kantang bumungad sa'kin.Today is 19th day of September. Isang tulog nalang 2nd Anniversary na namin (dapat). Kagabi palang hindi na okay ang pakiramdam ko..."Miss you nights" ang status ko sa FB kagabi bago ako matulog.Last year nang mag-celebrate kami nang anniversary gumawa kami nang video, feeling JAMICH eh!Pero maganda naman ang mga feedback mula sa mga fans namin(ang mga kaibigan at kamag-anak namin).After nang kalokohan namin kumain lang kami sa labas, Simple yet very meaningful ang day na iyon for both of us. And now what?Mag-isa nalang pala akong sasalubong sa September 20, 2012.
What's my plan? WALA! Kung pwede nga lang mawalan ako nang malay sa araw na'yon, yung tipong hihimatayin ako pagkagising na pagkagising ko sa umaga, then magkakamalay ako eksaktong 12:01 am, tapos na ang September 20. Next Year ulet! Taena akala ko okay na'ko eh, sabagay hindi naman kasi ganun kadali iyon! Nasa process pa ko nang tinatawag nilang "healing". Grabe pala yung pakiramdam noh?Yung tipong miss na miss mo na yung tao pero alam mong kahit humandusay ka sa labas ng bahay nila hindi siya lalabas para yakapin ka (o ako) kasi wala naman siya sa bahay nila..nasa bahay na siya ni Lord God!
Minsan napapa-isip ako, what if buhay parin siya ngayon?Baguhin natin yung mga pangyayari.Malamang kakain ulit kami sa labas ngayon, at siguro gagawa ulit kami ng video pero this time iba naman..syempre hindi scandal noh! Or baka gagawa ako nang gimik, isu-surprise ko siya...I will invite him for a dinner..sa isang class na restaurant. Syempre pinag-ipunan ko yun. Kunwari kakain lang kami, after that uwe na, pero ang gagawin ko pupunta ako sa harap ng stage, ipagmamalaki ko sa lahat nang mga kumakain doon na "anniversary namin ngayon!" at kakantahan ko siya nang "I'll be alright,as long as it matters, as long as you're here with me now....", at may second set pa yun ah, after nun "You're all I need to be with me forevermore....." Na-i-imagine ko na yung magiging reaksiyon niya siguro sa mga oras na'yun. Hopefully ma-appreciate niya!(Siguro naman noh?) Kung saka-sakali lang na kasama ko pa siya ngayon, I will make him feel na sobra ko siyang mahal na mahal (though alam ko naman na napatunayan ko na sa kanya yun nung mga time na he's with me pa.)But I will love him more and more and more pa.Iyung tipong malulunod siya sa pagmamahal ko. Iyung tipong magiging speechless nalang siya at maluluha sa sobrang saya (katulad nang nangyari sa kanya before, habang nagkukwentuhan lang kami nang masasayang pangyayari sa buhay namin. Ayun, bigla nalang siyang naiyak. Masaya lang daw siya.)
Just to be realistic, ano nga ba ang plan ko for our anniversary? Syempre, bisitahin ko siya (hindi pwedeng hindi) and will attend the mass. I will pray for his soul (like what I'm doing everyday).And will continue living without him, hanggang sa masanay ako at masanay ang puso ko. Happy Anniversary Lucky!
here's the link of the video we created on our 1st anniversary:
http://www.youtube.com/watch?v=DXjbiBcV9gM
No comments:
Post a Comment