Kapag minamalas ka nga naman, sunud- sunod! Paano mo nakakaya lahat nang ito? Saan ka kumukuha ng lakas?Paano mo pa nakukuhang bumangon?Makakaya mo pa bang ngumiti?
Sa haba nang panahon mong nabubuhay sa mundo may naaalala ka bang kaginhawaan na iyong naranasan?Anu-ano ba ang mga nakapagpasaya at nakapagpaligaya sa isang tulad mo?
BITTERNESS! Bakit nga ba nabuo ang salitang ito? Dahil ba sa gulay na ampalaya?Sa Filipino ang salitang "bitter" ay "mapait"....anong connect???Bakit ba ni-relate ang salitang ito na dapat ay para sa ampalaya lang?Napaka-inosenteng katanungan, hindi ba?Siguro dahil maraming mga tao ngayon ang nakakaranas nang "pait" sa buhay. Ang panget naman kasing pakinggan kung ibang salita ang gagamitin tulad ng "SUGARNESS", or "SALTINESS"? Yaiks!Ang sagwa naman yata!Mabuti na lang pala nauso ang ampalaya!(hehehehe...)
Kadugtong nang salitang ito ang salitang "EMO" short for "Emotional".Kapag nakaramdam ka nang bitterness, alam na ang kasunod: "EMONESS"(ayos!)
Anong ginagawa mo kapag sobrang helpless ka na?Iinom ng pulang kabayo?Magwawala?Magagalit sa mundo?o magagalit sa kapit-bahay nyo?Kanino ka unang tumatakbo?O ikaw ba iyong tipo na mas gustong mag-isang hinaharap ang problema? At kapag hindi mo na masolusyonan eh "Ayawan nalang?".
Minsan nakakapagod din ano?Iyung tipong kahit hindi ka nagsasalita pakiramdam mo andami mong sinabi. Akala nang iba kapag nakita kang walang kibo nagsusuplada ka lang, o kaya wala sa mood, o baka naman badtrip kasi hindi ka umabot sa last trip ng LRT.
Pero ang totoo pagod ka lang...kakaisip...kakaisip nang solusyon sa inuugat mong mga problema.
You can leave a comment.=)
ReplyDelete