Thursday, January 3, 2013

BICOL EXPRESS!

Almost 7 hours ang byahe mula cubao hanggang Camarines Norte. Nakakapagod ngumuya ng ngumuya habang nasa byahe. Masakit din sa pwet dahil walang tayuan, except kapag nag-stop over...RESTROOM ang pahinga! Excited ako dahil it's been 18 years since the last time na nakatuntong ako sa bayan ng Sta. elena.

5 Years old ako ng unang dalhin ng parents ko dito...dalawa palang kaming magkapatid ng ate ko noon.Ay mali, tatlo na pala, si Aljon palang ang bunso noon, wala pa si Michael. Ang mga nakatira dito ay sa side ng Mother ko..Lolo at lola ko, mga kapatid niya (tiyahin at tiyuhin) at mga pinsan ko. Andaming tumatakbo sa isip ko habang papalapit ng papalapit ang sinasakyan naming bus sa aming pupuntahan. Wala na akong natatandaan sa mga pinsan ko at tiyahin ko..iilan nalang ang naaalala ko ang mukha..hindi ko pa alam pati mga pangalan nila. Sasalubungin kaya nila kami ng mosiko o banda?May lechon kaya? May malaking banner kaya sa baranggay nila at may nakasulat na "Welcome Gonzales Family!"??Hahahaha! Ilusyonada lang ako!Ano kami, artista?mga dugong bughaw?hahaah!


with my pinsan EJ and pamangkin sa pinsan,Kevin


Fresh Buko from tree..=)
Pagdating namin doon una naming binisita ang munting kubo ng lolo't lola ko. Hindi naging maganda ang atmosphere doon  ng makita namin ang kalagayan nila. Mahina na ang lolo at may idinadaing na sakit na hanggang sa ngayon hindi malaman kung ano dahil ayaw niya naman palang magpa-check up sa doktor. Ang lola ko naman bagamat malakas-lakas pa naman ay mahina na ang pandinig at paningin kaya madalas hindi sila magkaintindihan ng lolo. Ang mama ko pa naman mababa ang luha- pati tuloy ako napaluha kahit pigilin ko. Alam ko may magagawa ako, may magagawa kami para sa kanila..pero hindi pa sapat para lubos na matulungan sila. Kaya ang tanging nagawa lang namin ay ang iparamdam sa mga mahal kong lolo at lola na mahal namin sila.

Us with Tito Rolly and Tita Ne (Mama's Eldest Sister) and kevin                             



Maganda na ang mga buhay ng ilan sa mga Tita at Pinsan ko dito. Mas mapepera pa nga sila di hamak sa'min. Ang panganay na kapatid ng mama ko na si Tita Ne napagtapos lahat ng mga anak niya sa kolehiyo kaya naman hindi maikakailang maganda na talaga ang mga buhay nila. Sana kami rin maging ganun, well nasa pagsisikap yan! SANA! Pero nakakatuwa dahil sa kabila ng magandang buhay na mayroon sila hindi namin sila kinakitaan ng anumang yabang. Siguro sadyang mababait ang lahi ng Macinas!(hahaha!) Kung "Bait" rin lang naman ang pag-uusapan ay talagang ibibida ko ang tiyahin kong ito. Alagang alaga kami dito. Hindi naman maipagkakaila dahil nagtabaan kami lahat sa loob lang ng isang linggong pag-stay namin dito.
Ang kyut na kyut na si Luis at Jed
ang anak-anakan kong si Kenji
Nalibang rin kami sa kakyutan at kakulitan ng mga bata doon. Mga anak ng mga pinsan ko na halos magkaka-edad!Magkaka-batch 'ika nga!Napaka-bibo ng mga batang iyon. Nakakatuwa. Ang sarap pagkukurutin sa pisngi! (Hahaha!Bad!) But kidding aside, nakakamiss sila. Lalo na iyung mga kaingayan at kaharutan nila. May kanya-kanyang mga talent. Lahat nagpapakitang gilas! Hangkyuuuttt!!! Iyon nga lang sa susunod na pagbalik namin dito panigurado malalaki na ang mga bulilit na ito. And for sure hindi na nila kami mga kilala.



Ilang araw rin nagsunud-sunod ang ulan kaya naman nakulong kami sa bahay ng mga tita ko. Hindi makagala dahil madulas ang mga daan. Even pagbisita sa lolo at lola hindi na namin nagawa ulit. Gusto ko na ngang umuwe nun' sa sobrang inip. Movie trip nalang sana kaso badtrip ilang beses pa kung mag-brownout. Pambihira!!!Kaya ayun, buong araw nakipaglaro sa mga bata. Tatlong sunud-sunud na araw na ganun, kain-tulog, kain-tulog, kain-tulog. Ang resulta? Chubbyness!!!Okay lang!Mag-diet nalang pagbalik ng Manila. Sana magawa ko!(hahaha!)

Eto ang masarap, maglakad sa gitna ng putikan!

Mag-swimming sa gitna ng ulan!

Habang si Mama nilalamig na kahit hindi naman siya naglulublob sa tubig..=)

Maganda raw sa katawan ang beach sand..may malilit na nilalang nga lang ang pwedeng kumagat sa'yo.=P

STRANDED! Naubusan kami ng gas sa layo ng distansiya ng mga pinuntahan

What a FALLS!

Si Aljon at Ate (Jenn)

Tulay lang pala sa lubid eh! Panis!!!

2 days before kami umuwe, naawa ang pinsan ko at ipinasyal kaming mag-anak. Tatlong lugar ang pinuntahan namin sa maghapon. Medyo maulan  pero tuloy parin ang gala! Kailangang maramdaman ko naman ang bakasyon habang malayo kami sa Manila. Nakakabitin nga lang dahil sa ikli ng oras pero okay narin, atleast tatlong lugar agad ang napasyalan namin. Ang sarap kaya nun! Nakalimutan ko lahat ng problema ko ng mga oras na 'yon! Daig ko pa nagka-amnesia. Wala akong pakielam basta ang alam ko masaya ako ng mga oras na'yon kasama ang pamilya ko. Kung pwede nga lang wag matapos agad! Haiszt!!

Picking Papaya from its tree.=)
May nakakatuwa pang nangyari sa'min habang bumibyahe kami pabalik sa bahay ng tita. Naubusan ng gas ang tricycle ng kuya Bhong (pinsan ko) mabuti nalang at nasa highway na kami nun' at hindi na masyadong delikado abutan ng dilim. Ang mas exciting doon na-stranded kami sa kasagsagan ng ulan. Mga basa na kami lahat, lalo pa kaming nilamig dahil sa hangin at ulan. Pero wala rin kaming ibang ginawa kundi ang magtawanan sa gitna ng ulan hanggang sa nakagawa ng paraan at tuluyan na kaming makabalik sa bahay. Pagdating sa bahay lahat pagod. Pero okay lang, masaya naman!

Huling araw namin sa bakasyon, mabuti nalang gumanda-ganda ang panahon. Nabisita ulit namin ang lolo at lola at nakaligo ulit kami sa ilog. Akala namin makakabalik pa kami doon kinabukasan pero hindi na pala, maaga pala ang magiging byahe namin kinabukasan pabalik ng Manila. Hindi na ko nag-alinlangan pa sa paliligo, hindi na ko nag-alala na baka umitim ako dahil sa tindi ng sikat ng araw, madali lang naman magpaputi. Konting kuskos at hilod lang yan! =)

Daig pa naming magkakapatid ang bumalik sa pagkabata. Sa mga oras na iyon magkakasundo kaming apat. Bati kaming lahat! Pati si Mama at Papa akala mo bagong kasal kung maglambingan. Ang sarap isipin na sa edad naming ito nararanasan parin namin ang ganitong klaseng bonding na nawawala na sa ibang mga pamilya. Sabagay, wala pa naman sa aming apat ang may sarili ng pamilya kaya nagagawa parin namin ang makapamasyal ng kumpleto. Parang ayoko pang isipin na darating ang panahon na magkakaroon na kami ng kanya-kanyang mga buhay..


Shhh...do not disturb!

This is what ya'called LIFE!
Harvest Moon ng totoong buhay..=)
Tuwang -tuwa kami sa pamumulot ng mga kabya sa buhangin


Sisteret!

Ang Pilapil...


Talon nah!!!

May the force of runnig water be with me!!heheeh...

JalapeƱo (sosyal ang tawag!)

OH Life!!!

Papa, Mama, Michael(bunso) and Ate

Fresh Buko for our drinks and merienda





Kinabukasan, maaga kaming nagsigising para mag-asikaso sa aming paguwe. Nakakabitin man pero wala kaming magagawa, tapos na ang bakasyon grande! Hindi manlang kami nakapag-paalam sa mga bulilits at pati narin sa lolo at lola. Masaya ang naging bakasyon namin. Mabuti nalang pala talaga naisipan kong ayain sila Mama na doon kami mag-christmas. Kakaibang holiday experience talaga! At nakatulong ng malaki sa pagpapagaling ko ng puso. Salamat sa pagpapatuloy sa'min Tito Rolly at Tita Ne. Ganun din sa mga pinsan ko at mga pamangkin. Thank You for being nice.Pasensya na at malaki-laki ang nagastos nyo sa pagkain namin, ngayon lang naman po yun!(hahahaha!) Sa uulitin po! At sa Lolo at Lola ko..mahal po namin kayo. Magpalakas po kayo at konting panahon nalang po makakasama na namin kayo sa iisang bahay!

As the new year blossoms, may the journey of your life be fragrant with new opportunities, your days be bright with new hopes and your heart be happy with love! Happy New Year! 
(http://www.festivalseasons.com/new-year-quotes/)


Monday, November 19, 2012

"JEEPNEY"



Hindi ako "PURE" na mabuting mamamayan pero marunong naman akong umintindi nang pagkakaiba ng TAMA sa MALI, ng BAWAL sa PWEDE, ng SA'KIN at SA'YO.

Sa bawat umagang umaalis ako ng aming tahanan at bumibyahe papasok sa eskwela mayroon at mayroon akong nakikitang mga hindi maganda sa paningin.Sa simpleng pagtanaw ko sa bintana ng jeepney na aking sinasakyan at aking susumahin nasa sampu kada araw ang mga nakakainis na gawain ng mga taong aking nadaraanan. Hindi ko intensyon ang maghanap ng mali pero anong magagawa ko kung sa mga oras na iyon ang gusto ko lang naman ay makalanghap ng sariwang hangin na kahit ang totoo malabo kong makamit dahil sa usok ng tambutso ng mga sasakyan at usok mula sa yosi ng mga bagong gising na tambay!

Sa aming lugar mahuli ka lang ng ilang minuto kumpara sa nakaugaliang oras ng alis mo araw-araw asahan mo pahirapan na sa pagsakay. Marami na akong makikita sa kalsada na tulad ko ring "AVANGERS". Goodluck sa'yo kapag naka'tyempo ka ng jeep na uhaw sa pasahero at pagkakasyahin kayong lahat ng nakapila sa minamaneho nyang jeepney. BOUNDARY na si KOYA!

Maganda ang umaga, kaya dapat simulan ng isang magandang ngiti.Pero magagawa mo pa kaya 'yan kapag nagbayad ka ng pamasahe at dahil sa bandang dulo ka nakaupo malapit sa pasukan kelangan mong makisuyo at ipaabot ang pamasahe mo sa mga katabi mo para makarating kay manong driver. Ang nakakainis lang walang pumapansin sa'yo. Iyong isa tulog (tulug-tulugan), iyung isa my kandong na bata (nabibigatan na daw siya kaya hindi kayang abutin ang bayad mo), yung isa may kausap sa cellphone "Potangena ka pala eh!Sino ka ba?Tawag ka ng tawag?"sabi pa ni Ate. At yung isa....DEADMA!(who you?!) Napabuntong hininga nalang ako at sumigaw ulit ng "BAYAD PO!!!PAKISUYO NAMAN PO PARANG AWA N'YO NA!".Ayun,may isang naawa, iyong lalaking nasa tapat ko na kanina pa pala ako tinititigan. Gusto ko tuloy siyang sabihan ng : "Maraming salamat at ika'y nahabag sa kaawa-awang tulad ko, at aking batid na tila kanina mo pa ako tinititigan?Nagagandahan ka ba sa'kin o natatawa dahil mukha na akong tanga walang pumapansin sakin?!!" Sa wakas, nakarating kay manong driver ang bayad ko. Mabuti nalang at eksakto ang binayad ko, hindi na ako kelangan pang suklian at kung nagkataon baka si manong driver naman ang magmukhang tangang walang papansin sa kanya.

 

Ang panget ng view sa loob ng jeep. May mag-jowang parang mga sawa kung maglingkisan, may magtotropang kung magkwentuhan kala mo ngayon lang nagkita at ang pinag-uusapan yung katangahan ng isa nilang tropa na kasama sa inuman kagabi lang! Andyan din si manong na aantok-antok na sa sobrang antok ay makailang ulit kamuntikan masubsob ang mukha sa harap ko. Maiksi ang pisi ng pasensiya ko pagdating sa mga nakakainis na pangyayari...pero kaya ko naman kontrolin ang emosyon ko at bumuntung-hininga nalang!Mahirap na baka ma-videohan pa ko at maging viral sa social networking site. Pangarap ko nga ang sumikat pero hindi sa ganoong paraan noh! Mabait kaya ako! (Saan banda?).

Andami kong napapansin, ang totoo bitter lang naman ako sa buhay (hahaah).  Tahimik nga akong nagmamasid sa paligid ko pero napakarami namang tumatakbo sa isip ko. Pisti kasi nawala ko 'yung headset ko...hindi tuloy ako makapag-soundtrip sa byahe, suwerte na ko kung maka-tyempo ng "PATOK" na jeep na tinatawag,  mabilis na byahe, sa lakas pa ng tugtog sasabog ang utak mo! 

"MANONG! PARA PO!"





Wednesday, October 24, 2012

People change, things go wrong. Just remember, "Life goes on."





"I'm not asking for the world, I don't deserve it. I'm not asking for all of your attention, I don't need it. I'm not asking to be treated like a princess; I never was much of a girly girl. I'm not asking to be your first thought, just not your last. I'm not asking for everything, I'm just asking for what I deserve." Sabi ni Megan Marie.


 E sino nga ba si Megan Marie?Sa totoo lang, hindi ko alam. Salamat ulit sa "Google" ang peg ko today.
Magulo ang aking isip.Hindi ko nagugustuhan ang atmosphere ng paligid. Walang taong perpekto. Bakit ganon, kapag may ginagawa ang isang tao ng mabuti parang hindi ganon kadali ma"recognize", hindi naman pwedeng lahat ng ginagawa mong mabuti ay ipagsisigawan mo sa lahat! (epic fail), pero nakakalungkot lang na sa mga nagawa mong tama iilan lang ang naaalala nila...pero sa oras na magkamali ka, ayan na! Parang ang sama-sama mo ng tao. Hindi na nila makakalimutan  hanggang sa makagawa ka ulit ng isa pang pagkakamali...hanggang sa maka "quota" ka na! 

Nasubukan mo na bang mag-isip minsan kung masaya pa ba silang nakakasama ka? Kapag kaya hindi ka nagparamdam ng isang araw, isang linggo, isang buwan mamimiss ka kaya nila?I-deactivate mo kaya ang facebook account mo?Iyung tipong wala muna silang mababalitaan na kahit ano tungkol sa'yo?Kawalan ka ba sa kanila? Sa dami ng mga kaibigan mo, iilan lang ba sa kanila ang totoo?Kaya mo kayang sagutin yan?

Bakit ang ibang tao pwedeng magtampo sa'yo? Bakit ikaw hindi pwedeng magtampo sa kanila? Ganito na ba ka "unfair" ang buhay ngayon?Ang saklap naman non'.

"I've learned that no matter how much I care, some people 
are just idiots. I've learned. . . that we don't have to change 
friends if we understand that friends change. I've learned
that no matter how good a friend is, they're going to hurt you 
every once in a while and you must forgive them for that."
 - Unknown 
(http://www.angelfire.com/ma4/memajs/quotes/friend.html)
 
 
  

Saturday, September 29, 2012

Kwento mo sa Pagong

Kapag minamalas ka nga naman, sunud- sunod! Paano mo nakakaya lahat nang ito? Saan ka kumukuha ng lakas?Paano mo pa nakukuhang bumangon?Makakaya mo pa bang ngumiti?

Sa haba nang panahon mong nabubuhay sa mundo may naaalala ka bang kaginhawaan na iyong naranasan?Anu-ano ba ang mga nakapagpasaya at nakapagpaligaya sa isang tulad mo?

BITTERNESS! Bakit nga ba nabuo ang salitang ito? Dahil ba sa gulay na ampalaya?Sa Filipino ang salitang "bitter" ay "mapait"....anong connect???Bakit ba ni-relate ang salitang ito na dapat ay para sa ampalaya lang?Napaka-inosenteng katanungan, hindi ba?Siguro dahil maraming mga tao ngayon ang nakakaranas nang "pait" sa buhay. Ang panget naman kasing pakinggan kung ibang salita ang gagamitin tulad ng "SUGARNESS", or "SALTINESS"? Yaiks!Ang sagwa naman yata!Mabuti na lang pala nauso ang ampalaya!(hehehehe...)

Kadugtong nang salitang ito ang salitang "EMO" short for "Emotional".Kapag nakaramdam ka nang bitterness, alam na ang kasunod: "EMONESS"(ayos!)

Anong ginagawa mo kapag sobrang helpless ka na?Iinom ng pulang kabayo?Magwawala?Magagalit sa mundo?o magagalit sa kapit-bahay nyo?Kanino ka unang tumatakbo?O ikaw ba iyong tipo na mas gustong mag-isang hinaharap ang problema? At kapag hindi mo na masolusyonan eh "Ayawan nalang?".



Minsan nakakapagod din ano?Iyung tipong kahit hindi ka nagsasalita pakiramdam mo andami mong sinabi. Akala nang iba kapag nakita kang walang kibo nagsusuplada ka lang, o kaya wala sa mood, o baka naman badtrip kasi  hindi ka umabot sa last trip ng LRT.

 Pero ang totoo pagod ka lang...kakaisip...kakaisip nang solusyon sa inuugat mong mga problema. 


Hay buhay... parang "LIFE!"

Wednesday, September 19, 2012

09.20.12

"Kahit maputi na ang buhok koh oohhhhhhh".... Badtrip! Pagsakay ko sa jeep kaninang umaga ayan agad ang kantang bumungad sa'kin.Today is 19th day of September. Isang tulog nalang 2nd Anniversary na namin (dapat). Kagabi palang hindi na okay ang pakiramdam ko..."Miss you nights" ang status ko sa FB kagabi bago ako matulog.Last year nang mag-celebrate kami nang anniversary gumawa kami nang video, feeling JAMICH eh!Pero  maganda naman ang mga feedback mula sa mga fans namin(ang mga kaibigan at kamag-anak namin).After nang kalokohan namin kumain lang kami sa labas, Simple yet very meaningful ang day na iyon for both of us. And now what?Mag-isa nalang pala akong sasalubong sa September 20, 2012.

What's my plan? WALA! Kung pwede nga lang mawalan ako nang malay sa araw na'yon, yung tipong hihimatayin ako pagkagising na pagkagising ko sa umaga, then magkakamalay ako eksaktong 12:01 am, tapos na ang September 20. Next Year ulet! Taena akala ko okay na'ko eh, sabagay hindi naman kasi ganun kadali iyon! Nasa process pa ko nang tinatawag nilang "healing". Grabe pala yung pakiramdam noh?Yung tipong miss na miss mo na yung tao pero alam mong kahit humandusay ka sa labas ng bahay nila hindi siya lalabas para yakapin ka (o ako) kasi wala naman siya sa bahay nila..nasa bahay na siya ni Lord God!

Minsan napapa-isip ako, what if buhay parin siya ngayon?Baguhin natin yung mga pangyayari.Malamang kakain ulit kami sa labas ngayon, at siguro gagawa ulit kami ng video pero this time iba naman..syempre hindi scandal noh! Or baka gagawa ako nang gimik, isu-surprise ko siya...I will invite him for a dinner..sa isang class na restaurant. Syempre pinag-ipunan ko yun. Kunwari kakain lang kami, after that uwe na, pero ang gagawin ko pupunta ako sa harap ng stage, ipagmamalaki ko sa lahat nang mga kumakain doon na "anniversary namin ngayon!" at kakantahan ko siya nang "I'll be alright,as long as it matters, as long as you're here with me now....", at may second set pa yun ah, after nun "You're all I need to be with me forevermore....." Na-i-imagine ko na yung magiging reaksiyon niya siguro sa mga oras na'yun. Hopefully ma-appreciate niya!(Siguro naman noh?) Kung saka-sakali lang na kasama ko pa siya ngayon, I will make him feel na sobra ko siyang mahal na mahal (though alam ko naman na napatunayan ko na sa kanya yun nung mga time na he's with me pa.)But I will love him more and more and more pa.Iyung tipong malulunod siya sa pagmamahal ko.  Iyung tipong magiging speechless nalang siya at maluluha sa sobrang saya (katulad nang nangyari sa kanya before, habang nagkukwentuhan lang kami nang masasayang pangyayari sa buhay namin. Ayun, bigla nalang siyang naiyak. Masaya lang daw siya.)

But anyway, those were all just my imagination! He's gone.







Just to be realistic, ano nga ba ang plan ko for our anniversary? Syempre, bisitahin ko siya (hindi pwedeng hindi) and will attend the mass. I will pray for his soul (like what I'm doing everyday).And will continue living without him, hanggang sa masanay ako at masanay ang puso ko. Happy Anniversary Lucky!

here's the link of the video we created on our 1st anniversary:
http://www.youtube.com/watch?v=DXjbiBcV9gM